Friday, August 19, 2016
Hindi Ako Marunong Gumawa ng Tula
Hindi ako marunong gumawa ng tula,
Hindi ko alam kung paano at saan huhugot ng bawat letra
hindi ako marunong magtagpi tagpi ng mga salitang bubuo ng mga ideyang kayang mag papapinawala
sa mga bagay na hindi kapanipaniwala.
Hindi ako kagaya ng mga sikat na manunulat
na kayang gumawa ng mga mahuhusay na piyesa
mga piyesang kayang dalhin sa ibang mundo ang kanyang mga mambabasa
ng makita nila ang mga bagay na hindi kayang makita ng mga mata, maamoy ng kanilang ilong at maramdaman ng kanilang puso.
Hindi ako marunong gumawang tula.
Mga tulang kahayang mag pahayag ng mga bagay na matagal nang sinisikreto.
Matagal nang nasa puso nais nang sambitin nagsusumigaw na damdamin ngunit pilit na isinasang tabi.
Hindi ako marunong gumawa ng tula. at mag pahayag ng aking sarili sa pamamagitan ng mga malalalim at mabubulaklak na mga salita.
Yung mga salitang sa sobrang lalim ay kaya kang lunurin sa maladagat dagatang damdamin.
sa twing sinusubukan kong gumawa ng tula,
ang tanging nakikita ko lang ay ang mga kulay sa mga letrang aking sinusulat. Itim at puti.
natila bang nagpapamukha saakin na kung gaano ako kaduwag harapin ang mga maaaring mangyari pag katapos kong aminin sa aking sarili na hindi ako marunong gumawa ng tula.
Kung tutuusin, pwede naman akong sumayaw, mag pinta o gumawa ng kanta
pero hindi ko rin alam bakit sa isang bagay na kung saan ako mahina, yun pang ang gustong gusto kong malikha.
Marahil yun ay dahil nakilala kita,
"Dahil sayo nais kong mabuhay" ika nga sa isang lumang kanta.
Kantang bigla tumututog sa loob ng aking mga tenga kahet wala namang musika.
Nagpapabilis ng daloy ng aking mga dugo, sumasabay sa ritmo ng aking puso.
Nagpapasikip sa aking dibdib, apoy na nagliliyab sa aking mga kalamnan.
Nagliliwanag sa bawat sulok ng aking katawan.
Kita mo!Ayan ka naman. Pero kahet ganon hindi ko mapigilan.
Kung sakaling isuko ko ang maskarang pilit kong sinusuot,
Kung sakaling makita mo ang mga karumihan ko,mga bagay na malayong maging katanggap tanggap sa ibang tao
Kung sakaling hayaan kitang maghimasok sa buhay ko...
tutal nasayo rin naman ang kandado ng aking puso kung saan naroroon ang mga damdaming matagal ko nang itinatago.
Mamahalin mo rin kaya ako?
Hindi ko alam, natatakot ako pero gusto kong subukan.
Hindi ako marunong gumawa ng tula,
pero nagbago ang lahat nung makilala kita.
Subscribe to:
Posts (Atom)