Friday, August 19, 2016

Hindi Ako Marunong Gumawa ng Tula


Hindi ako marunong gumawa ng tula,
Hindi ko alam kung paano at saan huhugot ng bawat letra
hindi ako marunong magtagpi tagpi ng mga salitang bubuo ng mga ideyang kayang mag papapinawala
sa mga bagay na hindi kapanipaniwala.
Hindi ako kagaya ng mga sikat na manunulat
na kayang gumawa ng mga mahuhusay na piyesa
mga piyesang kayang dalhin sa ibang mundo ang kanyang mga mambabasa
ng makita nila ang mga bagay na hindi kayang makita ng mga mata, maamoy ng kanilang ilong at maramdaman ng kanilang puso.
Hindi ako marunong gumawang tula.
Mga tulang kahayang mag pahayag ng mga bagay na matagal nang sinisikreto.
Matagal nang nasa puso nais nang sambitin nagsusumigaw na damdamin ngunit pilit na isinasang tabi.
Hindi ako marunong gumawa ng tula. at mag pahayag ng aking sarili sa pamamagitan ng mga malalalim at mabubulaklak na mga salita.
Yung mga salitang sa sobrang lalim ay kaya kang lunurin sa maladagat dagatang damdamin.
sa twing sinusubukan kong gumawa ng tula,
ang tanging nakikita ko lang ay ang mga kulay sa mga letrang aking sinusulat. Itim at puti.
natila bang nagpapamukha saakin na kung gaano ako kaduwag harapin ang mga maaaring mangyari pag katapos kong aminin sa aking sarili na hindi ako marunong gumawa ng tula.

Kung tutuusin, pwede naman akong sumayaw, mag pinta o gumawa ng kanta
pero hindi ko rin alam bakit sa isang bagay na kung saan ako mahina, yun pang ang gustong gusto kong malikha.
Marahil yun ay dahil nakilala kita,
"Dahil sayo nais kong mabuhay" ika nga sa isang lumang kanta.
Kantang bigla tumututog sa loob ng aking mga tenga kahet wala namang musika.
Nagpapabilis ng daloy ng aking mga dugo, sumasabay sa ritmo ng aking puso.
Nagpapasikip sa aking dibdib, apoy na nagliliyab sa aking mga kalamnan.
Nagliliwanag sa bawat sulok ng aking katawan.
Kita mo!Ayan ka naman. Pero kahet ganon hindi ko mapigilan.
Kung sakaling isuko ko ang maskarang pilit kong sinusuot,
Kung sakaling makita mo ang mga karumihan ko,mga bagay na malayong maging katanggap tanggap sa ibang tao
Kung sakaling hayaan kitang maghimasok sa buhay ko...
 tutal nasayo rin naman ang kandado ng aking puso kung saan naroroon ang mga damdaming matagal ko nang itinatago.
Mamahalin mo rin kaya ako?
Hindi ko alam, natatakot ako pero gusto kong subukan.

Hindi ako marunong gumawa ng tula,
pero nagbago ang lahat nung makilala kita.




Monday, April 15, 2013

The Promise "HKM"




Gustong gusto ko tong kantang toh..
nasabi na dito lahat :))

nakakatawa minsan pag mag isa ako
tas naaalala na lang kita bigla
di ko malimutan yung mga sandali na nagtatawanan lang tayo
kahet walang sense yung pinag uusapan natin,
ayos lang nag eenjoy naman tayo
namimiss ko lahat ng nasayo
lahat ng ginawa mo kahet tinulak kita palayo
Minahal mo padin ako

nakakatawa yung feeling na
may mga taong naaasar sakin
sbi nila di daw kita mapakawalan
di daw kita binibitawan
kinukulong ko daw ang sarili ko sayo

nakakatawa marinig yon sa ibang tao
pero ayoko na magpaliwanag sakanila
ano bang dapat ipaliwanag ko sakanila?
wala naman at sigurado ako malalabuan lang din sila

If only they can see the paper thin barrier between "moving on" and "forgetting"

basta ako
ok na ko
na alam kong "masaya kanang nakadungaw sa mga ulap"
though kailangan ko na talagang bumangon
wag ka mag alala
kasi hinding hinding kita malilimutan
"Pag ibig ko'y di magbabago"


Mahal pa rin kita kahet lagpas 4 yrs knang wala
:))

Wednesday, April 10, 2013

The writter

di ko alam bat pag binabasa ko yung mga sulat mo
napaparamdamam mo saken ng buo yung nararamdaman mo
even though di ko alam yung sitwasyon mo
kanina nabasa ko yung post mo
nalulungkot ako sa nangyari senyo
naasar ako sa ginawa nya sayo..
kung ako siguro sa posisyon mo sinaktan ko na yun
pero hindi
mahal mo parin sya kahe tgnun
nakakatuwa ka..
sulat kapa..
babantayan kita..

Sunday, April 7, 2013

word's left unsaid





May mga bagay na mahirap ipaliwanag..
kahet sa loob loob mo isinisigaw mo na

nahihirapan ka sabihin kasi alam mong may masasaktan


nahihirapan kang sabihin kasi baka di mo na mabitawan(lalong lalo na kasi
ayaw mo nang tumagal pa)


Mahirap talaga lalo na pag gusto mo pero bawal pa
pero dahil alam mo ang tama
pipilitin mong gawin ang dapat
kahit nagkamali kana
gusto mo paring itama

kasi kahet gusto mo yung bagay na yun
kelangan mong bitawan
para sa ikabubuti mo,nya at ninyong dalawa
pero mahirap lang talaga ipaliwanag

may mga bagay na mas mabuting wag na lang rin ipaliwanag..
mga bagay na alam mong Diyos lang ang makakaintindi..
kahit masakit sayong manahimik
ayos lang sayo kasi alam mong alam ng Diyos kung ano ang nasa puso

pero gusto ko parin sanang sabihin
pero wag na lang siguro

Saturday, March 30, 2013

Silentnote # 4

"May mga bagay na hinding hindi mo na uli maibabalik.At wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin ang pagkawala,maging positibo,bumangon muli at turuan ang sariling wag masyadong manghinayang:dahil sa masyadong panghihinayang,sarili mo lang rin ang masasakatan mo at walang iba."

Friday, March 29, 2013

Silent note # 3

"may mga bagay na mas mabuting bitawan lalo na pag alam mong di pa ito yung tamang panahon para dun..
dahil kung para sayo talaga yun pakawalan mo man,babalik rin yun sa tamang panahon..at kung ung bagay na yun ay hindi para sayo,may dadating din sa tamang panahon"

Tuesday, December 25, 2012

distance

that awkward feeling..
when you wake up..you immediately check your phone..
to see if he already greeted you "good morning" -_-

ehehehe..
and when he does..a song started to play in your mind..
and you started to feel the butterflies flying inside your stomach..

tralalalalala~~~!
erh..
knowing that he feels the same way too..
but gets confused all along..

how his phone calls made your day..
hearing his voice makes you strong

and
saying "i love you"
while he's not listening..
make you feel like he does

ahh!!!
never thought that i would  encounter this kind of....
(oh gosh!!what should I call it?it's definitely not LOVE)

uhmmmm..
CRUSH?!!INFATUATION?!!

erh -_-
atleast I don't see him everyday..